Lunes, Setyembre 21, 2009

Tatakbo ka ba? Tara na! Eleksyon “2010”

Bago magsimula ang isang takbuhan
Mga kandidato’y humarap sa bayan
Kanilang ipinangako kay kakang Juan
Malinis na tungkulin sa sambayanan

Halalan na naman umaatikabong habulan
Pulitiokng hangad ay pangpanguluhan
Mukha nila’y kay aamo, di makabasag pinggan
Sa TV screen lagging natutunhayan

Si Mr. Katropa pabahay ang iniindorso
Ito na kaya ang pipiliin nyo?
Ano kaya panyera’t, panyero
Sumangguni kay Mr. Palengkero

Sus! Si Mr. Palengkero umurong sa laban
Isang sikat na kaalyado ang binigyan daan
Maganda ang ginawa nita sa mata ng bayan
Nakabuti kya ito sa buong sambayanan

Oposisyon di malaman ang gagawin
May kanya-kanyang ambisyon, at ayaw papigil
Tao;y nalilito, mukhang pabaling-baling
Desisyo’y mailap, de malinip kung saan susuling

Sa panig naman ng administrasyon
Di alintana nagaganap na sitwasyon
Batikos sa kanila na ipinipukol
Walang atubiling kanilang tinutugon

Wala raw dapat ipangamba kanilang partido
Malakas pa rin daw hatak nila sa tao
Bango’y humahalimuyak sa lahat ng dako
Sila pa rin kuno ang bet ng tao

Kung saka-sakalit isa sa inyo’y palarin
Huwag kalimutan bansa’y pagandahin
Kapakanang pansarili’y iwaglit at alisin
Pangako sa bayan inyo munang unahin

Mga pulitikong naghahangad mamuno
Panatilihing busilak inyong mga puso
Wag bale-walain masa’ng sa inyo’y nag-upo
Pakinggan ang hinaingsa inyo sumasamo

Mga bulong ni kumpare’t, hirit ni mare
Wag ilingin, kung hindi nakakabuti
Kung baga sa pelikula, sa direksyon niyo ibabase
Nasapul ba? Nais ng masa’ng imahe ?

Mga pangako ninyo’y aming hihintayin
Asa kaming lahat na ito’y tutupdin
Kayo ang tumatayong mga magulang naming
Siyang ilaw sa landas na tatahakin

Landas na tungo sa magandang bukas
Landas na susi sa edukasyong pangarap
Kabataang magulang ay sadlak sa hirap
Tulong nyo pangarap nila’y puwedeng matupad

Hindi naman sa nakikialam
Mga kabayang kong may gustong ihalal
Ito kaya’y tapat sa kanyang sinumpaan
O dekorasyon na uupo sa malakanyang

Ito’y pakiusap sa mga manghahalal
Paigtingin ang isip, huwag pasisilaw
Sa kalabit ng kahit sino man
Gawing malinis ating kalooban

Sinumang magwagi sa labanang ito
At mauupo sa minithing trono
Wag kalimutan mga pangako ninyo
Sa sambayanang naglukluk sa inyo

Pahabol na salita!
    Ang komposisyong ito, ay inihahandog ko sa lahat ng taong boto ay galing sa perso, sa kaisipan ay sa damdaming makabayan, na di nasilaw sa nakakasilaw na bagay, at sa mga kandidatong may magandang mithiin, at handang ipaglaban ang kanilang sinumpaan, sa harap ng bayan at sa lupang hinirang.

Maraming Salamat,
      Nanay Ising

Miyerkules, Agosto 5, 2009

Ang Pamana ( Demokrasya )

 

Sambayanang Pilipino’y nagluluksa
sa pag-panaw ng Dating Pangulo ng bansa
Di mapigil-pigil pag patak ng luha ng
mamamayang kanyang inaruga.

Pumanaw na Pangulo’y di malilimutan
ng mga Pilipinong kanyang tinulungan,
kanyon man ang kaharap di nakahadlang
sa mithing makamit ninais na tagumpay.

Mil nuebe y siyentos otsenta sais simula ng pag-aalsa,
lahat ng tao’y pawanng nasa kalsada
sigaw ng balana, kalayaa’y ibalik na
Demokrasya sa bansa ipagkaloob na.

Cory! Cory! Sigaw ng masa,
tanging ikaw lang ang aming pag asa
lakas ng lahat sa iyo kinukuha,
Agapayanan mo kami bilang isang ina.

Kawit bisig, di alintana ang panganib
Bawat isa’y mananalig na kalayaa’y muling babalik
Matinding pagod, kanilang tinitiis
Hiyaw na Cory, walang patid.

People Power I, di malilimutan
Dito nagsimula ating kalayaan,
Sa tulong ni Ina, demokrasya’y ating nakamtan
Na kay tagal nating, pinakahihintay.

Ang Ina ng lahat, di mapipigilan
Na maabot ninais ng bayan
Walang siyang kinatatakutan
Dambuhala man ang kanyang kalaban.

Sa tulong ng dasal, at pananalig sa diyos
Inibig na tagumpa ay kanyang naabot
Bandilang Pilipino’y, muling umindayog
Pasalamat sa pangulo’y di matapos-tapos.

Saludo kami sa iyo Pangulong Aquino
Ikaw ang huwaran ng bansang ito
Matapang na lider, puno ng prinsipyo
Di ka malilimot, hanggang ang mundo ay mundo.

Sa iyong pag-lisan sa bansang ipinag-laban
Ala-ala mo;y di malilimutan
Baunin mo sa`yong pupuntahan
Dasal naming lahat, na sa iyo’y nagmahal.

Paalam sa iyo ina naming mahal
Pag-harap mo sa Poong maykapal
Munti kong hiling, iyong paratingin
Mapayapang buhay, sa bayan mong nilisan.

Maraming salamat, mahal na pinuno
Salamat, salamat Gng. Cory Aquino
Kahit nasaan ka man inang totoo
Di ka mapapawi sa aming mga puso.

You are the mother of all people
You are the great mother of Democracy
Without your presence and love
It’s the end of our journey.

 

Note:
    Ang komposisyong ito ay buong puso kong inihahandog sa ating pumanaw na mahal na Dating Pangulo ng ating bansa at sa kanyang buong pamilya, at sa lahat ng sambayanang nagmahal at nananalig sa kanya. To our mother, the mother of all people. Gng. Corazon C. Aquino

Good or Bad Comment
Pls. call (Nanay Ising) 489-6159
( A Senior Citizen ) Mrs. Procesa A. Servigon