Lunes, Setyembre 21, 2009

Tatakbo ka ba? Tara na! Eleksyon “2010”

Bago magsimula ang isang takbuhan
Mga kandidato’y humarap sa bayan
Kanilang ipinangako kay kakang Juan
Malinis na tungkulin sa sambayanan

Halalan na naman umaatikabong habulan
Pulitiokng hangad ay pangpanguluhan
Mukha nila’y kay aamo, di makabasag pinggan
Sa TV screen lagging natutunhayan

Si Mr. Katropa pabahay ang iniindorso
Ito na kaya ang pipiliin nyo?
Ano kaya panyera’t, panyero
Sumangguni kay Mr. Palengkero

Sus! Si Mr. Palengkero umurong sa laban
Isang sikat na kaalyado ang binigyan daan
Maganda ang ginawa nita sa mata ng bayan
Nakabuti kya ito sa buong sambayanan

Oposisyon di malaman ang gagawin
May kanya-kanyang ambisyon, at ayaw papigil
Tao;y nalilito, mukhang pabaling-baling
Desisyo’y mailap, de malinip kung saan susuling

Sa panig naman ng administrasyon
Di alintana nagaganap na sitwasyon
Batikos sa kanila na ipinipukol
Walang atubiling kanilang tinutugon

Wala raw dapat ipangamba kanilang partido
Malakas pa rin daw hatak nila sa tao
Bango’y humahalimuyak sa lahat ng dako
Sila pa rin kuno ang bet ng tao

Kung saka-sakalit isa sa inyo’y palarin
Huwag kalimutan bansa’y pagandahin
Kapakanang pansarili’y iwaglit at alisin
Pangako sa bayan inyo munang unahin

Mga pulitikong naghahangad mamuno
Panatilihing busilak inyong mga puso
Wag bale-walain masa’ng sa inyo’y nag-upo
Pakinggan ang hinaingsa inyo sumasamo

Mga bulong ni kumpare’t, hirit ni mare
Wag ilingin, kung hindi nakakabuti
Kung baga sa pelikula, sa direksyon niyo ibabase
Nasapul ba? Nais ng masa’ng imahe ?

Mga pangako ninyo’y aming hihintayin
Asa kaming lahat na ito’y tutupdin
Kayo ang tumatayong mga magulang naming
Siyang ilaw sa landas na tatahakin

Landas na tungo sa magandang bukas
Landas na susi sa edukasyong pangarap
Kabataang magulang ay sadlak sa hirap
Tulong nyo pangarap nila’y puwedeng matupad

Hindi naman sa nakikialam
Mga kabayang kong may gustong ihalal
Ito kaya’y tapat sa kanyang sinumpaan
O dekorasyon na uupo sa malakanyang

Ito’y pakiusap sa mga manghahalal
Paigtingin ang isip, huwag pasisilaw
Sa kalabit ng kahit sino man
Gawing malinis ating kalooban

Sinumang magwagi sa labanang ito
At mauupo sa minithing trono
Wag kalimutan mga pangako ninyo
Sa sambayanang naglukluk sa inyo

Pahabol na salita!
    Ang komposisyong ito, ay inihahandog ko sa lahat ng taong boto ay galing sa perso, sa kaisipan ay sa damdaming makabayan, na di nasilaw sa nakakasilaw na bagay, at sa mga kandidatong may magandang mithiin, at handang ipaglaban ang kanilang sinumpaan, sa harap ng bayan at sa lupang hinirang.

Maraming Salamat,
      Nanay Ising

2 komento:

  1. Nice composition. I like your way of writing. Thanks for sharing this post. Let's hope for a change! Vote wisely this 2010 election.

    -pia-

    TumugonBurahin