Lunes, Setyembre 21, 2009

Tatakbo ka ba? Tara na! Eleksyon “2010”

Bago magsimula ang isang takbuhan
Mga kandidato’y humarap sa bayan
Kanilang ipinangako kay kakang Juan
Malinis na tungkulin sa sambayanan

Halalan na naman umaatikabong habulan
Pulitiokng hangad ay pangpanguluhan
Mukha nila’y kay aamo, di makabasag pinggan
Sa TV screen lagging natutunhayan

Si Mr. Katropa pabahay ang iniindorso
Ito na kaya ang pipiliin nyo?
Ano kaya panyera’t, panyero
Sumangguni kay Mr. Palengkero

Sus! Si Mr. Palengkero umurong sa laban
Isang sikat na kaalyado ang binigyan daan
Maganda ang ginawa nita sa mata ng bayan
Nakabuti kya ito sa buong sambayanan

Oposisyon di malaman ang gagawin
May kanya-kanyang ambisyon, at ayaw papigil
Tao;y nalilito, mukhang pabaling-baling
Desisyo’y mailap, de malinip kung saan susuling

Sa panig naman ng administrasyon
Di alintana nagaganap na sitwasyon
Batikos sa kanila na ipinipukol
Walang atubiling kanilang tinutugon

Wala raw dapat ipangamba kanilang partido
Malakas pa rin daw hatak nila sa tao
Bango’y humahalimuyak sa lahat ng dako
Sila pa rin kuno ang bet ng tao

Kung saka-sakalit isa sa inyo’y palarin
Huwag kalimutan bansa’y pagandahin
Kapakanang pansarili’y iwaglit at alisin
Pangako sa bayan inyo munang unahin

Mga pulitikong naghahangad mamuno
Panatilihing busilak inyong mga puso
Wag bale-walain masa’ng sa inyo’y nag-upo
Pakinggan ang hinaingsa inyo sumasamo

Mga bulong ni kumpare’t, hirit ni mare
Wag ilingin, kung hindi nakakabuti
Kung baga sa pelikula, sa direksyon niyo ibabase
Nasapul ba? Nais ng masa’ng imahe ?

Mga pangako ninyo’y aming hihintayin
Asa kaming lahat na ito’y tutupdin
Kayo ang tumatayong mga magulang naming
Siyang ilaw sa landas na tatahakin

Landas na tungo sa magandang bukas
Landas na susi sa edukasyong pangarap
Kabataang magulang ay sadlak sa hirap
Tulong nyo pangarap nila’y puwedeng matupad

Hindi naman sa nakikialam
Mga kabayang kong may gustong ihalal
Ito kaya’y tapat sa kanyang sinumpaan
O dekorasyon na uupo sa malakanyang

Ito’y pakiusap sa mga manghahalal
Paigtingin ang isip, huwag pasisilaw
Sa kalabit ng kahit sino man
Gawing malinis ating kalooban

Sinumang magwagi sa labanang ito
At mauupo sa minithing trono
Wag kalimutan mga pangako ninyo
Sa sambayanang naglukluk sa inyo

Pahabol na salita!
    Ang komposisyong ito, ay inihahandog ko sa lahat ng taong boto ay galing sa perso, sa kaisipan ay sa damdaming makabayan, na di nasilaw sa nakakasilaw na bagay, at sa mga kandidatong may magandang mithiin, at handang ipaglaban ang kanilang sinumpaan, sa harap ng bayan at sa lupang hinirang.

Maraming Salamat,
      Nanay Ising

Miyerkules, Agosto 5, 2009

Ang Pamana ( Demokrasya )

 

Sambayanang Pilipino’y nagluluksa
sa pag-panaw ng Dating Pangulo ng bansa
Di mapigil-pigil pag patak ng luha ng
mamamayang kanyang inaruga.

Pumanaw na Pangulo’y di malilimutan
ng mga Pilipinong kanyang tinulungan,
kanyon man ang kaharap di nakahadlang
sa mithing makamit ninais na tagumpay.

Mil nuebe y siyentos otsenta sais simula ng pag-aalsa,
lahat ng tao’y pawanng nasa kalsada
sigaw ng balana, kalayaa’y ibalik na
Demokrasya sa bansa ipagkaloob na.

Cory! Cory! Sigaw ng masa,
tanging ikaw lang ang aming pag asa
lakas ng lahat sa iyo kinukuha,
Agapayanan mo kami bilang isang ina.

Kawit bisig, di alintana ang panganib
Bawat isa’y mananalig na kalayaa’y muling babalik
Matinding pagod, kanilang tinitiis
Hiyaw na Cory, walang patid.

People Power I, di malilimutan
Dito nagsimula ating kalayaan,
Sa tulong ni Ina, demokrasya’y ating nakamtan
Na kay tagal nating, pinakahihintay.

Ang Ina ng lahat, di mapipigilan
Na maabot ninais ng bayan
Walang siyang kinatatakutan
Dambuhala man ang kanyang kalaban.

Sa tulong ng dasal, at pananalig sa diyos
Inibig na tagumpa ay kanyang naabot
Bandilang Pilipino’y, muling umindayog
Pasalamat sa pangulo’y di matapos-tapos.

Saludo kami sa iyo Pangulong Aquino
Ikaw ang huwaran ng bansang ito
Matapang na lider, puno ng prinsipyo
Di ka malilimot, hanggang ang mundo ay mundo.

Sa iyong pag-lisan sa bansang ipinag-laban
Ala-ala mo;y di malilimutan
Baunin mo sa`yong pupuntahan
Dasal naming lahat, na sa iyo’y nagmahal.

Paalam sa iyo ina naming mahal
Pag-harap mo sa Poong maykapal
Munti kong hiling, iyong paratingin
Mapayapang buhay, sa bayan mong nilisan.

Maraming salamat, mahal na pinuno
Salamat, salamat Gng. Cory Aquino
Kahit nasaan ka man inang totoo
Di ka mapapawi sa aming mga puso.

You are the mother of all people
You are the great mother of Democracy
Without your presence and love
It’s the end of our journey.

 

Note:
    Ang komposisyong ito ay buong puso kong inihahandog sa ating pumanaw na mahal na Dating Pangulo ng ating bansa at sa kanyang buong pamilya, at sa lahat ng sambayanang nagmahal at nananalig sa kanya. To our mother, the mother of all people. Gng. Corazon C. Aquino

Good or Bad Comment
Pls. call (Nanay Ising) 489-6159
( A Senior Citizen ) Mrs. Procesa A. Servigon

Linggo, Hulyo 12, 2009

Sinner or Saint (Kayo Ang Humatol)

 

Dumadagundong, gumugulong, umuugong

Balita sa tindahan ni Mang Akong

Pati sa karinderya ni Aling Sion

Usisero’t usisera doo’y tipon-tipon.

 

Nakimiron ako’t nakinig sa usapan

Sex video pala tema ng kwentuhan

Bidang-bida sa kanilang huntahan

Ang sikat na sikat na sex video scandal.

 

Bata’t matanda, nagsama-sama

Habang nakikinig sa mga nagbibida

Mga tenga nila’y bukang-buka

‘Di nila alintana, lahat sila’y nakanganga.

 

Aba’y Basilio apo kong mahal

Umalis ka diyan sa kanilang umpukan

‘Di ka bagay sa ganyang huntahan

Pati si Crispin, akayin mo Amang.

 

Dr. Hayden at Katrina sa sex video sila ang bida

Dagdag pa rito mga kaibigan nila

Sila Bistek Rosario at ang negosyanteng si Erick Chua

 

Aba’y aba bakit nagkaganyan

Sila ang gumawa, kay daming nadamay

Sa camera luha ni Katrina’y walang humpay

Pati tuloy ako nakikisabay.

 

Walang tigil kislap ng camera

Maraming nagpapa-picture kasama si Katrina

Animo’y serye sa isang pelikula

Direktor na lang ang kulang at shooting na.

 

Balik tayo sa usaping sex video

Maraming tao naapektuhan nito

Ilang artista nasangkot dito

Pangalan nila’y balandra sa diyaryo.

 

Katrina, Hayden nang magkita sa Senado

Sa isa’t isa tila walang respeto

Sigaw ni baba “Isa kang manloloko,

Nagoyo mo ako, ang kapal mo?”

 

Sana naman kung gagawa ng milagro

Pakitago lang po ito sa publiko

‘Di lang kayo ang apektado

Pati batang nagtatanong tungkol dito.

 

Tulala ako at labis na nag-isip

Itong mga batang paslit

Nagkaroon na rin ng interes

Na mapanood video-ng, ang tema ay sex

 

Ipagtanggol si Katrina, sigaw ng Gabriela

Dapat kababaiha’y igalang nila

Ipaglaban kabarong binastos niya

Hanggang huling laban tayo’y susuporta.

 

Kampo ni Gabriel ‘di sila alintana

Pakagat-kagat lang sa kukong upod na

Sino? Sino nga ba ang may sala

‘Di ba, ‘di ba silang dalawa?

 

Simbahan nagugulumihanan na rin

Sa nangyayari sa paligid natin

Noo’y usapang krisis sa pagkain

Ngayo’y masarap na putahe ni Katrina at Hayden

 

Mambabatas nati’y abalang abala

Sa sex video ni Kho at Katrina

Pakiusap naman unahin nila

Paghihikahos ng maraming pamilya.

 

Nadumihan na naman ang palda ni Maria Clara

Kutod kaya ni ka Juan, nagkaroon din ng mantsa?

Paalala mga kabaro’t, kaalyansa

Huwag ng maulit ganitong eksena.

 

Dalawa lang ang uri ng tao

Isang manloloko at isang naloloko

Kung ‘di ka paloloko, ‘di ka maloloko

Nakakaloko talaga ano? O pare, mare saan kayo?

Ang Pangmundong Kamao (The Greatest Fighter of the World That Ever Lived

 

Sa isang nayon ng General San
May batang isinilang ng mahirap na angkan
Siya’y lumaki sa kahirapan
Kapos na buhay kanyang kinalakhan.

Puhunan n’ya sa paglaki’y pangarap na tagumpay
Pilit siyang aahon sa hikahos na buhay
Ipaglalaban n’ya pangarap na inasam
Mithing ambisyon, ibig n’yang makamtan.

Batang si Manny di nawalan ng pag-asa
Mga ginusto’y pilit na kinukuha
Sa simula sa T.V. paekstra-ekstra
Dito ko siya nakilala, at pogi rin pala.

Interes ko na siya’y subaybayan
Sa foreign at local n’yang laban
Bawat suntok at siya’y tinatamaan
Dibdib ko ang siyang nasasaktan.

Bukambibig ko na sana sa lahat ng dako
Bata’t matanda hangang-hanga sa iyo
Mahirap-mayaman sa iyo’y saludo
Kakaiba ka sa lahat ng boksingero.

Dumating na sa puntong mabigat na ang ‘yong laban
Morales, Dela Hoya at wala raw talong si Ricky Hitman
Ngunit sa aking palagay at haka ng bayan
Wala silang panama sa aming “Pacman”

Morales, Dela Hoya aking inabangan
Buong mundo’y dito nakatunghay
Mga suntok nila’y kanyang nailagan
Ganti na kamao agad silang “knock down”

Malinis kang lumaro, busilak ang ‘yong puso
Pandaraya’y wala sa iyong loob
Kaya kaming lahat hanga sa iyo
Ikaw Manny ang no. one naming idolo.

Mula noon muli ko siyang tinutukan
Dumadaing ako kapag siya’y tinatamaan
Isa ako sa malakas sumigaw
Sige Manny huwag mong lubayan.

Kaya pala itong si Aling Dionisia
‘Di kailanman nanood ng laban niya
Sa harap ng altar, rosaryo’y tangan
Ipinagdarasal laban ng anak niya.

Dumating na ang Mayo’ng hinihintay
Ang match niya kay Ricky Hitman
Buong mundo’y dito nag-aabang
Na sana’y ikaw ang siyang magtagumpay.

Usap-usapan sa lahat ng dako
Ito raw si Ricky Hatton masyadong agresibo
Pagmamalaki’y siya raw ang mananalo
Kaya raw niyang patulugin ating boksingero.

Ngunit sa unang round pa nga lang
Katawan ni Hitman para ng gulay
Siya ba naman ang tinamaan
Ng kamaong sintigas ng bakal.

Ikalawang round, tapos na ang laban
Malakas na bigwas kanyang pinawalan
Bagsak si Hatton sa lona’y humandusay
Pagbubunyi kay Manny ‘di magkamayaw.

Panalo na naman, si Manny Pacquiao
Bandilang Pilipino’y kanyang winagayway
Ipinagmamalaki bansang kinalakhan
Uuwing pasalubong ay isang karangalan.

Ipagpatuloy mo iyong inumpisahan
Marami ka pang pagtatagumpayan
Nandiyan kaming iyong kababayan
Kasa-kasama mo hanggang laban.

Inspirasyon ka ng mga kabataan
Hinuhugot sa ‘yo ambisyon nila sa buhay
Walang inuusal kundi Many Pacman
Ikaw ay tala nila mula sa kalangitan.

And pagsikat mo’y parang bulalakaw
Bumubulusok mula sa kalawakan
Pagbagsak sa lupa’y liwanag ang taglay
Na siyang tatanglaw sa lupang hinirang.

Mabuhay ka Manny! Mabuhay ka Pacman!
Uwi mo sa bansa’y ‘di malilimutan
Huwaran ka ng ‘yong kababayan
Tapak mo’y ibig nilang tularan.

Pacman! Pacman! Sigaw ng masa
‘Di ka mabubura sa kaisipan nila
Balang-araw bantayog mo’y ihihilera
Sa mga bayaning kagitinga’y kinilala.

Sikat ka na sa buong mundo
Sana naman ‘di ka magbago
Lagi kang lilingon sa likuran mo
Tatanaw-tanawin pinanggalingan mo.

 

Note:
Manny anak, isa lang saltik, huwag lagi. Mata mo’y pikit, baka isang saglit may agibong dumikit, lahat ng ‘yong isinukbit, mauuwi lang sa titis.

For comments Bad or Good
Pls. call Mrs. Procesa “Nanay Ising” A. Servigon. Tel. No. 489-61-59. A Senior Citizen, born on October 19, 1943.

“Ang nag-isip at nagtiyaga na isulat ang kaunti niyang nalalaman tungkol sa ating World Champion Boxer na si Manny “Pacman” Pacquiao. Congratulations! Mabuhay!

Biyernes, Hulyo 10, 2009

Sino si Lola Ising?

IMG_4218  Si Gng. Procesa Servigon, o si Lola Ising ay isang huwarang ina sa kanyang apat na anak na sina, Arnel, Edwin, Noel at Abigael Servigon. Siya ay tinatawag na Lola o “Nanay” ng kanyang anim na apo na sina Kelvin, Reniel, Keith Anne, Kayla, Yvan and Marielle. At syempre, bilang asawa ng yumaong si G. Simplicio Servigon.

Si Lola Ising ay mahilig sa pagsusulat ng mga tula na nakagawian na niyang gawin mula pa noong siya’y bata pa.

At ngayon, ang kanyang apo na sina Kelvin at Reniel, ay inililimbag ang kanyang mga tula sa ginawa niyang blog para sa lola niya, na “Blog ni Lola Ising